Sa dami ng mga bagong oportunidad ngayong bagong taon, iisa lang ang hinding hindi magbabago para sa Bajaj Philippines – ang dedikasyon para sa patuloy na dumaraming 80,000+ na Ka-Bajaj! Napatunayan ito nang salubungin ng kumpanya ang taon sa pag-papakilala ng mga unang pinakamalalaking Bajaj 3S Shops nito sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Disyembre 2022 nang buksan ng Bajaj ang pinakamalaking 3s Shop nito sa Zamboanga City na dalawang palapag, may laking 537sqm, at itinuturing na biggest Bajaj flagship store sa Mindanao. Hindi rin magpapahuli ang pinaka-aabangang pagbubukas ng halos 400sqm store sa Antipolo, Rizal na kilala bilang isa ring sales powerhouse ng Bajaj three-wheelers sa Luzon. Matatandaan namang sa Tagbilaran, Bohol unang binuksan ang tinaguriang central distribution hub ng Bajaj sa rehiyon ng Visayas noong May 2021. Tatlo (3) lang ‘yan sa labindalawang (12) Bajaj 3S Shops sa buong pilipinas, alamin ang pinakamalapit na shop sa iyong lugar sa link na ito https://bajaj.com.ph/network. Para sa hassle-free na inquiry, sagutin lang ang link: https://bit.ly/BajajInquiryJan2023